Una pa lang kitang nakita
Nabighani na ako sa taglay mong ganda
At dahan-dahang lumalapit
Sa 'yo nagpapaakit
Pakay ko na iyong pansinin
Sana, sana dinggin mo itong awitin
Lahat ay ilalaan para sa 'yo
Naghihintay lamang ng tyempo
Gusto ko na malaman mo
Patawarin mo ako
Kung ngayon ko lang sasabihin sa yo
Ang aking nararamdaman
Gumagawa ng paraan
Upang iyong malaman na gusto kita
'Wag naman
Baka mahulog ang loob mo sa iba
Medyo nauunahan lamang ng kaba
Alam ko na kahit di ako perpekto
Pinapangako sa iyo ikaw ang tanging iibigin ko
Sana, wag sanang pagdamutan ng tadhana
Natatakot kasi akong mapahiya
Bahala na, makakausap ba kita
Gusto ko lang malaman mo
Patawarin mo ako
Kung ngayon ko lang sasabihin sa yo
Ang aking nararamdaman
Gumagawa ng paraan
Upang iyong malaman na gusto kita
'Wag ka sana sa akin mailang
Natotorpe lamang sa 'yo, kaya lang
Hindi ko na mapigilan, woh
Patawarin mo ako
Kung ngayon ko lang sasabihin sa yo
Ang aking nararamdaman
Gumagawa ng paraan
Upang iyong malaman
Patawarin mo ako
Kung ngayon ko lang sasabihin sa yo
Ang aking nararamdaman
Gumagawa ng paraan
Upang iyong malaman na gusto kita
Oh gustong-gusto kita
Ooh oh oh