Kay rami nang pag-ibig na dumating sa buhay ko
Ngunit lahat sila ay nangagdulot ng bagyo
Pangako napako, nabigo kong puso
Patuloy ang pagdurugo
Kaya mo bang ibalik?
Ikaw na ba ang bahagharing makapagbabalik ngiti sa aking labi
Bahaghari, makapagbabalik sigla sa'king damdamin
Bahaghari, ingatan at tulungan mo ay ng puso kong nagdurusa
Ikaw na ba?
Kay rami mang pag ibig na dumating sa buhay mo
Ngunit ako'y hindi magdudulot ng bagyo
Ako'y nangangakong hindi maglalaho
Ako'y sa iyo ng buo
Di ka na magdaranas ng sakit
Oh..
Ako na nga ang bahaghari
Ibabalik ko ang sigla sa iyong damdamin
Ibabalik ko ang ngiti sa iyong labi
Bahaghari, iingatan at tutulungan ko ang puso mong nagdurusa
Hawakan mo aking kamay
At tayo magsasabay
Susunguin ang bagyo
Ayoko na ngang mag-isa, sasamahan kita
Harapin natin ang mundo
Bahaghari
Ibabalik ko ang sigla sa iyong damdamin
Ibabalik ko ang ngiti sa iyong labi
Bahaghari, iingatan at tutulungan ko ang puso mong nagdurusa
Ang puso mong nagdurusa
Oh, ako na nga
Hmm, ako na nga ang iyong bahaghari