Gusto ko nang mahawakan ang 'yong kamay
At sabay nating lakbayin ang habang buhay
Pakinggan mo nga ang tibok nitong puso ko
Naririnig mo ba? Pangalan mo?
Pero may mga pagbabago
May mga bagay na gusto mo pang gawin
Marami mang hadlang ang pagmamahalan
Pilit mang ilayo tayo ng tadhana
Tanging ala-ala mo lang ang nagpapagana
Noong mga sandaling tayo'y masaya
Sana naman hindi puro nalang paasa
At mapansin mo rin kung gaano ka kahalaga
Ang makapiling ka ang siyang hinahanap nang pusong ito
Sabik na madama pagmamahal mo
Ngunit sana ay di ka magbabago
Ikaw lang ang aking nais makasama
Marami mang hadlang ang pagmamahalan
Pilit mang ilayo tayo ng tadhana
Tanging ala-ala mo lang ang nagpapagana
Noong mga sandaling tayo'y masaya
Malayo ma'y magkaugnay sa pag-ibig (sa pag ibig)
Araw-araw naman kitang kasama sa panaginip
Marami mang hadlang ang pagmamahalan (Marami mang hadlang)
Pilit mang ilayo tayo ng tadhana (Pilit mang ilayo)
Tanging ala-ala mo lang ang nagpapagana (Tanging ala-ala mo lang)
Noong mga sandaling tayo'y masaya (Noong mga sandaling)

Tayo'y masaya