Parang kailan lang
Halos ako ay magpalimos sa lansangan
Dahil sa inyo ang aking tiyan at ang bulsa'y nagkalaman
Kaya't itong awitin aking inaawit nais ko'y kayo ang handugan
Tatanda at lilipas rin ako
Ngunit mayroong awiting
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan tayo'y nagkasama
Parang kailan lang
Ang mga awitin ko ay ayaw pakinggan
Dahil sa inyo narinig ang isip ko at naintindihan
Dahil dito'y ibig ko kayong ituring na matalik kong kaibigan
Tatanda at lilipas rin ako
Ngunit mayroong awiting
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan tayo'y nagkasama
Tatanda at lilipas rin ako
Ngunit mayroong awiting
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan tayo'y nagkasama wooh
Oh tatanda at lilipas rin ako
Ngunit mayroong awiting
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan tayo'y nagkasama
Tatanda at lilipas rin ako
Ngunit mayroong awiting
Iiwanan sa inyong alaala
Dahil minsan tayo'y nagkasama