Di na malaman ang patutunguhan
O meron bang paroroonan to
Mga gustong gawin sa buhay
Kasama mga tunay itoy patutunayan ko
Di na tanaw kung saan yung pabalik
Nung dati di inisip kung merong kapalit
Halos gabi gabing hindi mapakali
Kung merong swerte bakit hindi sya sakin tumabi
Pagdating ng araw ay malalaman nyo
Ang hirap ay sa una hangang maging abo
Sabi ni mama emosyon ang sisira
Nasulat tong tula dahil sa puso kong mahina
Tunog ng ingay hindi ko na alintana
Sanay sa kwarto na sarado ang bintana
Pangarap binawasan para di mabigat
Mas madaling hilahin sarili paangat
Mapadpad man sa malayo ay hindi maliligaw
Hampasin man ng alon ay di marunong bumitaw
Di na bago sakin ang mabigo
Natuto na kaya na tumayo
Anong pakiramdam ng nanalo
Madalas napupusoy kaya hindi alam kung pano
Binabalasa ko ang mga payo
Kung saan saan napadpad
Kung saan saan na rin napadayo
Sobrang pahulihin kaya hindi malabong
Iwan ng panahon at pangarap ay maglaho
Suot ko luma hindi na bago
Edad ko lang tumatanda pero sabay parin sa uso
Akala ko ay malaya na
Mga hakbang ko ay tama ba
Uung mga liham sana matangap ni bathala
Pag di natapos ang misyon si batman ang bahala
Walang sigurado pikit matang rumabok
Tagal ko ng ligaw hangang ngayon ay sinusubok
Hindi naman madamot, Ilang beses nagkamali bakit pa matatakot
Masama kong nagawa akin ng ibabalot
Ahon lusong sa lumot,
Maghapon ulam lungkot, Kahit palaging yamot kaya nang ngumiti
Pag problema sumuko doon ako babawi