Ang bawat umagang bigay ng tadhana
May dalawang puso nangakong magsasama
Mga pagsubok ay di alintana
Pagkat bawat araw hatid ay pag-asa
Hampas ng buhay, kadalasa'y mabagsik
Madalas langit ay sadyang nag-ngingitngit
Tayong dalawa ay pilit kakapit
Yayakapin natin ang bahaghari
Hawakan mo mahal ko
Mahigpit ang kamay ko
Ako ay yapusin ng pagmamahal mo
Pakatandaan ang Aking Pangako
Sa mata ng dyos ikaw lamang
Ang iibigin ko
Pag-ibig ko'y iyong iyo
Ang mundo ko'y para sa yo
Aking mahal, ito'y aking pangako