Kahit nakapikit mata naririnig kita
Kahit nakatakip tainga nakikita kita
Hindi ako perpekto katulad ng iba
Pero kahit naka hmm
Pinapaikot ng mga lumot 'yung mga utak kinukurakot
'Pag 'di ka natakot ika'y isasapot gobyerno ang surot bansa ating kumot
Puro dada 'la sa gawa sige ngiti 'di nakakatuwa
Mga puro pangako lahat butata ubos na pasensiya naming madla
Kumakalam na 'yung mga sikmura biglang papasok oportunista
Kakalimutan ka para sa pera pakikisama 'yan ang binebenta
Dederetso ka pa ba sa ating liko-likong sistema
O sasama ka sa akin puksain ang epidemya
Na lumaganap nagpahirap sa mahirap
Tumatapos ng pangarap 'di na mahagilap 'yung mga ulap
Habang tayo'y naghihirap sila sige sa pagkalap na ng yaman
Na dapat panglingap sa ating mahihirap
'Di ko nilalahat
Hindi lahat nagkakalat
Sa dami ng hayop sa gubat
Alam ko hindi lahat nangangagat
Silipin mo sa daksipat makikita sino'ng tapat
Hindi sapat ang 'yong mata 'pagkat hindi ka pa mulat
Kahit nakapikit mata naririnig kita
Kahit nakatakip tainga nakikita kita
Hindi ako perpekto katulad ng iba
Pero kahit nakapikit mata naririnig kita