Sa hilaga ako'y tutungo
Tatakas sa aking mundo
Buhay kong nakasanayan
Sige lang atin munang ipagpaliban
Ngunit 'di inaasahan
Tadhana nga'y mapaglaro
Ikaw ay aking nasilayan
Sabay biglang tumibok ang aking puso
Tara na
Bigyang kulay ang isa't isa
Halika na
Sumabay tayo ay maging malaya
Hawakan mo aking kamay
Walang wala ng papantay
Sa'yong mga ngiting nakakabaliw
Habang humahalik sayo ang hangin
Tara na
Bigyang kulay ang isa't isa
Halika na
Sumabay tayo ay maging malaya
Halika na't kumapit
Kapit ka ng mahigpit
Mahigpit ng mga yakap
Yakap sa tuwing sasapit ang
Dilim at ang gabi
Gabing alam natin magiging masaya
Sumama na
Tara na
Tara na
Bigyang kulay ang isa't isa
Halika na
Sumabay tayo ay maging malaya
Tara na
Bigyang kulay ang isa't isa
Halika na
Sumabay tayo ay maging malaya
Sumabay tayo ay maging malaya
Sumabay tayo ay maging malaya
Sumabay at tayo ay liligaya