Mukha mong maamo
Nanunuyo sa 'king puso
Hindi ba kasalanan
At umamin ng biglaan
Ikaw ako parang tayo pag-ibig na sinta
Wala bang hangganan (wala)
Sabay bang lalaban
Halika na't yumakap sa aking katawan
Sabay nating aabutin ang paraisong makulay
Laging hiling sa Maykapal
Na hindi na mawawalay
Kahit paikot-ikot lang ikaw ako
Sa ating mundong kulay bahaghari yeah
Hindi imposible
Ang ginuhit na pangyayari
Kulay ng rosas
Ang paligid ko na dati
Na patay madilim 'di ko alam
Ngayo'y nandito ka
Walang alinlangan (wala)
Wala nang kailangan
Halika na't yumakap sa aking katawan
Sabay nating aabutin ang paraisong makulay
Laging hiling sa Maykapal
Na hindi na mawawalay
Kahit paikot-ikot lang ikaw ako
Sa ating mundong kulay bahaghari yeah oh
Kahit paikot-ikot lang ikaw ako
Sa ating mundo
Init ng yakap 'di makagalaw
Gigil ng puso siyang laging ramdam
Buka ng bibig iwinika sa 'yo
Kukunin sa langit aalay sa 'yo
Sasakyan bituin at bibiyahe tayo
Tayo naghari sa mundo natin
Halika na ('lika na 'lika na 'lika na 'lika na)
Halika na ('lika na 'lika na 'lika na)
Halika na ('lika na 'lika na 'lika na 'lika na)
Halika na ('lika na 'lika na 'lika na 'lika na)
Halika na yumakap sa aking katawan
Sabay nating aabutin ang paraisong makulay (sabay natin abutin)
Laging hiling sa Maykapal (hihiling Maykapal)
Na hindi na mawawalay (hindi na mawawalay)
Kahit paikot-ikot lang ikaw ako
Sa ating mundong kulay bahaghari (maamo nanunuyo sa 'king puso)
Kulay bahaghari (maamo nanunuyo sa 'king puso)