Akala ay kaibigan lang
Kakwentuhan, kakulitan
Kaasaran, kabiruan
Kasama sa kasiyahan
Akala ay hanggang doon lamang
Kausap sa telepono
Hanggang magu-umaga
Kadamay sa mga problema
'Di ko lubos na maisip
Na ikaw pala ang pagibig
Matagal nang hinahanap
Ng isang pusong gustong umibig
Oh, wala nang ibang hiniling
Kung hindi ang aking marinig
Ang malambing mong tinig
Na sa telpono ko lang maririnig
Akala ko wala lang yan
Sadyang magkaibigan lang
Ito pala ang simula
Ng isang tunay na pagibig
'Di ko lubos na maisip
Na ikaw pala ang pagibig
Matagal nang hinahanap
Ng isang pusong gustong umibig
Oh, wala nang ibang hiniling
Kung hindi ang aking marinig
Ang malambing mong tinig
Na sa telpono ko lang maririnig
Bawat gabi inaantay
Nagagalak, nasasabik
Nakaupo, nakangiti
Dahil sa'yo hindi mapakali
Salamat sa telepono
Kahit malayo, ika'y malapit
Hanggang sa ating pagtanda
Ikaw na sana ang aking tadhana
Oh, wala nang ibang hiniling
Kung hindi ang aking marinig
Ang malambing mong tinig
Na sa telpono ko lang
Sa telpono ko lang
Sa telpono ko lang maririnig