Nakita kita, lumalapit
Humahapdi ang pusong, matagal nang nagtatago
Sa mga bituin na nakita sa'yong mata
Kumikislap sila, sa gabi man o umaga
'wag mo sanang pagmasdan
Kahinaan ko kasi ang ganyan
'wag kang masyadong kiligin
Lumilinaw ang paningin
Sa tuwing lumalapit ka sa'kin
'wag mong masyadong isipin
Ngayon lang 'to
Ngayon lang
Siguro
Nakita kita, papalapit
Namamanhid ang katawan
Parang 'di mapakali
Tila wala na sa sarili
'di maikubli
Nagbabakasakali lang
'di ko maitanggi
Pwede ka bang pagmasdan
Kahit dito sa malayuan
'wag kang masyadong kiligin
Lumilinaw ang paningin
Sa tuwing lumalapit ka sakin
'wag mong masyadong isipin
Ngayon lang 'to
Ngayon lang
Siguro
Di maintindihan
Di maunawaan
Bakit gusto kang pagmasdan
Walang maidahilan
Hinahanap ka sa daan
Ito na nga ba ang palatandaan?
Wag kang masyadong kiligin
Lumalalim ang pagtingin
Kailan mabibigyang pansin?
'wag mong masyadong isipin ngayon lang 'to
Wag kang masyadong kiligin
Lumilinaw ang paningin
Sa tuwing lumalapit ka sakin
'wag mong masyadong isipin
Ngayon lang 'to
Ngayon lang
Sigurado"