Minsan ng makita ka kausap mo'y isa ko ring kakilala
Hindi ko alam ang gagawin kung ako ay lalapit din
Ngunit baka ako ay di mo pansinin
Habang papalapit ka na dibdib ko'y walang tigil sa pagkaba
Sa pawis ako'y nanlalamig labi ko ay nanginginig
Ngunit bakit ako'y medyo kinikilig
At sayang naman kung hindi kita makakausap
Sa sandaling tayo ay magkakaharap
Ngunit hanggang saan makararating ang ating usapan
Sana'y kahit sa pagkakaibigan ho
Habang papalapit ka na dibdib ko'y walang tigil sa pagkaba
Sa pawis ako'y nanlalamig labi ko ay nanginginig
Ngunit bakit ako'y medyo kinikilig
At sayang naman kung hindi kita makakausap
Sa sandaling tayo ay magkakaharap
Ngunit hanggang saan makararating ang ating usapan
Sana'y kahit sa pagkakaibigan
At sayang naman kung hindi kita makakausap
Sa sandaling tayo ay magkakaharap
Ngunit hanggang saan makararating ang ating usapan
Sana'y kahit sa pagkakaibigan
At sayang naman kung hindi kita makakausap (sayang naman)
Sa sandaling tayo ay magkakaharap
Ngunit hanggang saan makararating ang ating usapan (hanggang saan)
Sana'y kahit lamang kaibigan lang