Kamatayan O Kalayaan?
Nagdurusa ang mamamayan
Patuloy na binubusabos ng mga dayuhan
Lukob pa din tayo ng dayong bandila
Lagutin ng punlo itong tanikala!
Kamatayan o kalayaan?
Saan ang patutunguhan?
Kamatayan o kalayaan?
Maghimagsik at manindigan!
Ating inang baya'y lumuluha ng dugo
Madami na ang nagbuwis at nagsakripisyo
Huwag nating sayangin mga dugong dumanak
Tayo ay lumaban ng sibat sa sibat!
Kamatayan o kalayaan?
Saan ang patutunguhan?
Kamatayan o kalayaan?
Maghimagsik at manindigan!
Wasakin ang makinang pampaslang
Bawiin ang hustisya sa mga gahaman
Ilibing ng buhay mga nagsasamantala
Kalayaan natin tayo ang lilikha
Kamatayan o kalayaan?
Saan ang patutunguhan?
Kamatayan o kalayaan?
Maghimagsik at manindigan!
Nagngangalit na mga berdugo
Pagbayarin ng mahal sa mga inutang na dugo
Isang pangkat tayong susugod walang aatras
Harapin natin sila dahas sa dahas
Kamatayan o kalayaan?
Saan ang patutunguhan?
Kamatayan o kalayaan?
Maghimagsik at manindigan!
Kamatayan o kalayaan?
Saan ang patutunguhan?
Kamatayan o kalayaan?
Maghimagsik at manindigan!