Akala ko ay tapos ko ng limutin ang sakit na nadarama
Akala ko ay naalis ka na sa isipang ikaw ang laging naaalala
Sa gabing ako ay nag-iisa
Nasasabik sayo at nangungulila
Ngunit 'di maaring balikan pa
Dahil alam kong may iba na sya
Akala mo ba'y madali lang ang ipagpalit ka sa iba
Gayong dito sa puso ko ikaw ay mahal pa
Akala ko ba'y makakaya ko mawala sa piling mo
Sana sa inaakalang ito maghilom na ang sugat sa puso ko
Sa gabing ako ay nag-iisa
Nasasabik sayo at nangungulila
Ngunit 'di maaaring balikan pa
Gayong alam mong may iba na sya oohhh
Akala mo ba'y madali lang ang ipagpalit ka sa iba
Gayong dito sa puso ko ikaw ay mahal pa
Akala ko ba'y makakaya ko mawala sa piling mo
Sana sa inaakalang ito maghilom na ang sugat
Sa piling mo
Umaasa lang ba ako sayo ng sobra
Kaya nasasaktan at nagmumukhang tanga
Haaah
Akala ko ba'y madali lang ang ipagpalit ka sa iba
Gayong dito sa puso ko ikaw ay mahal pa
Akala ko ba'y makakaya ko mawala sa piling mo
Sana sa inaakalang ito maghilom na ang sugat
Sa gabing ako ay nag-iisa
Nasasabik sayo at nangungulila
Ngunit 'di maaaring balikan pa
Gayong alam kong may iba ka na mahal