Nung tumingin sa salamin, tanaw mo ang tunay na ako
Sabi mo, ang mundo'y maganda dahil ako'y naririto
Sa bawat luha, sa bawat takot
Nandyan ka, di mo ako iniwan
Nung hindi ko na kaya, kamay ko'y hawak mo, Ma
Kung meron mang nag bago, mas lumalim ang pagmamahal mo, sa isang tulad ko
Pinalaki mo ako ng may paniniwala
Ngunit pag-ibig ko'y kayang yakapin ng puso mong dakila
Sa bawat hakbang, sa bawat laban
Kasama kita, 'di mo ako iniwan
Nung hindi ko na kaya, kamay ko'y hawak mo, Ma
Kung meron mang nag bago, mas lumalim ang pagmamahal mo, sa isang tulad ko
Sa lahat ng oras, 'di mo ko sinukuan
Sa iyong mga mata, ako'y natagpuan
Nung hindi ko na kaya, kamay ko'y hawak mo, Ma
Kung meron mang nag bago, mas lumalim ang pagmamahal mo, sa isang tulad ko
Sa pag-ibig mo, nahanap ko ang lakas
Tanggap kita, sabi mo, at ako'y lumuha ng saya