Paano
Saan patungo ang ating laban kung sa ating sarili ay may pangamba
Saan na nga bang kahapon na ating inaasam
Wala
Nakalimutan
Parang utang
Tinakbuhan
Hayaan nalang hanggang sa tayo'y maging buto
Palubog na barko patungo sa dulo ng mundo
Paano
Saan patungo ang ating laban kung sa ating sarili ay may pangamba
Kailan makakabangon
Paano ba makakamtan
Sawa na paghihintay
Umaasang malutasan
Patuloy nalang bang laro na palaisipan
Yabang sating sarili'y kailan ba mawawakasan
Paano
Saan patungo ang ating pangako kung sa ating sarili'y pinagkaila
Wala na ba talaga tayong pag-asa
Patuloy nalang ba tayong balisa (tuloy na ang ating pagkabalisa)
Baka pwede naman
Baka pwede naman
Patuloy nalang bang laro na palaisipan
Yabang sating sarili'y kailan ba mawawakasan
Paano
Saan patungo ang ating pangako kung
Sa ating sarili (kung sa atin)
Oh kung sa'ting sarili (kung sa atin)
Oh kung sa'ting sarili'y (kung sa atin)
Pinagkaila