Huwag kang lalapit diyan ka lang
At baka makita ang lahat ng aking kahinaan
Na pilit kong tinakpan
At kung malaman mo kaya
Mga kasalanang nagawa
Kaya bang matanggap
'Pag 'di na ako nagpanggap
'di na ako 'yon
Sana mabigyan ng pagkakataon
Iibigin mo pa ba ako
Pipiliin mo pa ba ito
Nakaraang pinagsisihan
Gusto ko nang makalimutan
Hanggang diyan ka na lang
Kung ayaw mong masaktan
Huwag kang lalapit diyan ka lang
Ayoko ng bago kong daan
O ako kamusta walang pag-aalangan
At kung ilahad kaya sa 'yo
Ang tunay na pagkatao ko
Matatanggap mo pa ba
Kung sino 'ko talaga
Hindi na ako 'yon
Sana mabigyan ng pagkakataon
Iibigin mo pa ba ako
Pipiliin mo pa ba ito
Nakaraang pinagsisihan
Gusto ko nang makalimutan
Hanggang diyan ka na lang
Kung ayaw mong masaktan
Hindi na ako 'yon
Sana mabigyan ng pagkakataon
Iibigin muna ang sarili ko
Hahayaan munang maghilom
Aalamin kung sino ba 'ko
Aalamin ang totoo
Hanggang diyan ka muna
Ayaw kitang masaktan