Ito ang unang pasko
Na wala ka sa piling ko
Nakakapanibagong
Hindi na marinig ang boses mo
Oh kanino tatakbo 'pag ako'y natatakot
Oh kanino sasandal 'pag ako'y napapagod
Tanging ikaw ang hangad makasama ka lang
Oh sana'y mapagbigyan na mayakap kita
Kahit saglit sa pasko 'yan lang ang hanap ko
Sana'y nakikita mong lumalaban ako
Magtatagpo muli pero sa ngayon
Maligayang pasko sa langit
Maligayang asko sa langit
Pa'nong muling bumangon
Kung ikaw lang ang aking mundo
Ikaw ang aking ilaw
Ang aking tahanan kahit nasa'n pa man
Oh kanino tatakbo 'pag ako'y natatakot
Oh kanino sasandal 'pag ako'y napapagod
Tanging ikaw ang hangad makasama ka lang
Oh sana'y mapagbigyan na mayakap kita
Kahit saglit sa pasko 'yan lang ang hanap ko
Sana'y nakikita mong lumalaban ako
Magtatagpo muli pero sa ngayon
Maligayang pasko sa langit
Maligayang pasko sa langit
Oh kailan mawawala
Hirap at mga luha
Oh kailan matututunan
Na hindi na masaktan
Tanging pangako sa 'yo 'di magpapatalo
Sa lungkot at pagsubok ay lalaban ako
Baon ko ang tapang mo lahat ng payo mo
Ay isasabuhay ko mga nakita sa 'yo
Magtatagpo muli pero sa ngayon
Maligayang Pasko sa langit
Maligayang Pasko sa langit
Maligayang Pasko sa langit