Simbang gabi, puto bumbong
Ilang gabing kulang sa tulog
Pag-uwi sa Christmas party
Gigising ka pa ng 3:30
Lasing ka pa at may hangover
Pero magmamano ka pa kay Father
Pagkatapos ng misa, pila sa bibingka
Kain ng taho kasi nilalamig ka
Mga pamangkin mo ay parating na
Handa na ba ang aguinaldo nila
Parating na din sina tito at tita
Sigurado ako na maiinis ka
Pag sinabi nilang "tumaba ka na"
At tinanong nila "kailan ka mag-aasawa"
Kung kasal ka na, tatanong nila
"Kailan kayo magkakakaanak"
Sa Pilipinas lang
Ang pinakamahabang
Pasko
Sa mundo
Sa Pilipinas din
Ang pinakamasayang
Pasko
Sa buong mundo
Setyembre pa lang naririning mo na
Mga caroling at si Jose Mari Chan
Alas diyes na closing ng mga mall
Para Christmas shopping hindi magahol
Pumapasok pa din sa trabaho
Kahit umuwi na ang mga tao
Sa probinsya nila, umaasa ka pa
Baka may dumating pa na dagdag sahod
Kahit na napapagod, kayod lang ng kayod
Practice ng sayaw, masakit na ang tuhod
Sa exchange gift sino bang nabunot mo
Di ko pa nabibili ang pangregalo ko
Ang regalo na gusto ko naman
Makausap lang ang jowa ko sa foreign land
Kahit video call o skype man lang
Pero next year ay uuwi na siya
Wag mong kalimutan
Kung bakit tayo nagdiriwang
Wag mong kalimutan
Ang kanyang pagsilang sa
Sabsaban
Sa Pilipinas lang
Ang pinakamahabang
Pasko
Sa mundo
Sa Pilipinas din
Ang pinakamasayang
Pasko
Sa mundo
Sa Pilipinas lang
Ang pinakamahabang
Pasko
Sa mundo
Sa Pilipinas din
Ang pinakamasayang
Pasko
Sa buong mundo