Imulat ang mga mata
Sa mga yaman na 'di pa nawawala
Paano kung bukas
Malalaman mong naagaw na pala
Karagatan natin ang ninanakawan
Kaya bang gumising bago tayo maubusan
Karapatan natin ay ipaglalaban
Sumabay sa paglayag habang sinisigaw
At naninindigang
Atin ito, Atin ito, Atin ito
Sumisid tayo ng sabay nang malaman kung san nanggaling
Ang tapang nilang kuhanin ang dapat na para sa'tin na
Langis at natural na gasolina sa ilalim
Bakit 'di tayo malaya sa yamang biyaya sa'tin? Ugh
Anong magagawa ko at anong magagawa mo?
Lumaban na para sa yaman natin kahit dehado
Hindi uurong kahit pa na lambat ay butas
'Di matatakot dahil hindi malambot ang batas
Tayo ang ninanakawan
Kaya bang gumising bago tayo maubusan
Karapatan natin ay ipaglalaban
Sumabay sa paglayag habang sinisigaw
At naninindigang
Atin ito, Atin ito, Atin ito
Lahat ng atin ay babawiin (Lahat ng inangkin)
Ang Pilipino ay gigisingin (Basta para sa)
Karagatan natin ang ninanakawan
Kaya bang gumising bago tayo maubusan
Karapatan natin ay ipaglalaban
Sumabay sa paglayag habang sinisigaw
At naninindigang
Atin ito, Atin ito, Atin ito