Heto ako ngayon nag-iisa
Inaalala nung tayo pang dalawa
Alam kong ako'y nagkamali dahil ako ay sumuko na
Hindi ko naman ito gusto pero kailangang gawin
Mahal naman kita pero bakit ganito
Palaging nahihirapan na ang aking puso
Nasasaktang isiping ako'y balewala sa iyo
Bakit parang wala lang ako sa 'yo
Unti-unting nawawala ang oras mo sa 'kin
Unti-unting bumibigat ang aking damdamin
Di namalayang wala na pala
Kaya nasabi ko na ayoko na ayoko na
Mahal naman kita pero bakit ganito
Palaging nahihirapan na ang aking puso
Nasasaktang isiping ako'y balewala sa iyo
Bakit parang wala lang ako sa 'yo
Pero kailangan nang tapusin ang nasimulan
Dahil wala nang patutunguhan itong ating pagmamahalan
Ako ay nagising sa katotohanang wala na wala nang pagmamahalan
Hindi ko naman ito gusto pero kailangang gawin
Mahal naman kita pero bakit ganito
Palaging nahihirapan na ang aking puso
Nasasaktang isiping ako'y balewala sa iyo
Bakit parang wala lang ako sa 'yo
Bakit nga ba