Maraming mga bagay na mahirap ipaliwanag
Mga tanong na madalas tumatakbo sa aking isip kapag
Nakahiga sa aking higaan
Tuwing nabubuo sa aking isipan
Mga bagay na hindi sigurado
Ako naman ay apektado
Hindi ako ngayon makatulog
Mulat ang aking mata habang ako'y nakahiga sa aking kama
Nagmumukha na akong kahabag-habag
Nakakapagpabagabag (ang gulo-gulo ng isip)
Nakakapagpabagabag (ang gulo-gulo ng isip ko)
Sa daming iniisip inaabot na ako ng liwanag
Sabay tanong ng marami ba't mukha daw akong bangag
Palusot ko'y may pinagpuyatan
Ako ay nagsipag-sipagan
At sa huli naging pag-sisisi
Ayoko na itong maulit muli
Tuwing gabi mulat ang aking mata habang ako'y nakahiga sa aking kama
Oh nagmumukha na akong kahabag-habag
Nakakapagpabagabag (ang gulo-gulo ng isip)
Nakakapagpabagabag (ang gulo-gulo ng isip ko)
Isipin mo na lang kung papano ko nagawa ang kanta na ito
Aba nakakahilo
Tumatakbo ang isip at hindi humihinto ngayon ako'y napapraning baka ako ay mabunggo
Baka ako'y magkamali at sa huli mabubulol ginagamitan ng kontrol para mahabol ang tambol
Nakakapagpabagabag (ang gulo-gulo ng isip ko)
Nakakapagpabagabag bakit ko ba nagawa ang kanta na ito (ang gulo-gulo ng isip ko)
Nakakapagpabagabag mukha na akong kahabag-habag (ang gulo-gulo ng isip ko)
Nakakapagpabagabag (ang gulo-gulo ng isip ko)
Nakakapagpabagabag