Gabi gabi
Ikaw lagi ang kausap
Ang iyong sinabi
Ako ang laging hinahanap
Tinatanong parati
Kung kumain ka na ba
Na-miss ba ang pagsabi na
Miss na kita
Pero ang akala
Ika'y magiging aking sinta
Pero nabigla
Meron ka nang iba
Paasa
Ikaw ay isang paasa
Alam kong marami
Pa naman d'yang iba
Siguro'y malandi lang
Talaga siya
Akala ko na seryoso siya
Muntik na akong mabiktima
Dapat nga ako ay masaya
Na hindi ko binigay ang puso ko
Sa paasa
Siya ay isang paasa
Bigla na lang sa akin ika'y lumapit
Napatanong naman ako sa 'yo kung bakit
Ang sabi mo bigla kasi akong lumamig
Ako daw ang tumigil at biglang umalis
Paasa
Ako daw paasa
Ikaw ang tunay na paasa (ako'y napailing at ang mukha ko ay umasim)
Ayoko nang maulit pangyayaring malagim (paasa)
Ako'y napailing at ang mukha ko ay umasim
Ayoko nang maulit pangyayaring malagim
Ako'y napailing at ang mukha ko ay umasim
Ayoko nang maulit pangyayaring malagim