Heto na naman tayo
Umiiyak ka na naman ika'y nasaktan
Ng huling ka-relasyon mo
Sabi mo siya'y totoo yun pala siya'y manloloko
Di ko maintindihan
Kung bakit ka nila sinasaktan
Gusto ko na silang awayin
Pipigilin ko na lang baka lumala pa
Buhay nga naman
Kaibigan marami pa naman ibang marunong umunawa
Tao na tapat at marunong magmahal ng tama
Totoo sayo ang unahin mo na lang muna ngayon ay ang iyong sarili
Mga nananakit sayo di sila importante
Ako'y nandito lang para sayo
Heto na naman tayo
Makikipagbalikan ka na naman
Ang sabi mo na siya'y nagbago na
Ilang beses mo na bang narinig yan
Buhay nga naman
Kaibigan marami pa naman ibang marunong umunawa
Tao na tapat at marunong magmahal ng tama
Totoo sayo ang unahin mo na lang muna ngayon ay ang iyong sarili
Mga nananakit sayo di sila importante
Ako'y nandito lang
Nandito lang naman
Nandito lang nandito lang nandito lang naman ako
Marami pa naman ibang marunong umunawa
Tao na tapat at marunong magmahal ng tama
Yung totoo sayo
Marami pa naman ibang marunong umunawa
Tao na tapat at marunong magmahal ng tama
Yung totoo sayo ang unahin mo na lang muna ngayon ay ang iyong sarili
Mga nananakit sayo di sila importante
Kaibigan ako'y nandito lang
Andito lang
Andito lang
Ako'y nandito lang para sayo