Maagang namulat ang mga mata
Mali ang tingin sa aking ginagawa
Porke nakita ko na ba ang tama
At di na tumulad pa sa iba
Naklabay sa napiling daan
Gamitgamit sariling paraan
Pinutol tali sa nakaraan
Para derederecho byahe sa kinabukasan
Di porket di ginagawa ng karamihan
Ay wala na tong patutunguhan
Mas okay pang sumugal
Kesa sa paulit-ulit na siklo ay tumagal
Ayos lang kahit walang maniwala
Basta saking sarili meron akong tiwala
Sabihin man nilang walang mapapala
Atleast ngayon ako'y isang timawa
Kumalas sa pag kakatali
Gawin ang para sa kanila'y di madali
Tumalas sa pagkakamali
Bilisan mo lang wag kang magmadali
Natuto sa karanasan ng iba
Para di na marasanan mali nila
Napuna lang payong mali nila
At di lang nakinig tingin saaken walang hiya
Pagtatawanan pa kapag naiiba
Pusong bato kaya di magigiba
Natutong kumontrol ng emosyon
Para di makulong sa sariling depresyon
Damedameng problema sa mundo
Di naging solusyon ang pagsuko
Kapalpakan naging kasundo ko
Para magtagampuay hanggang sa dulo
Madapa man akoy babangon
Malubog man akoy aahon
Isip ko man daw ay nalason
Atleast malaya't di nagpakahon
Kumalas sa pagkakatali
Gawin ang para sa kanilay di madali
Tumalas sa pagkakamali
Bilisan mo lang wag kang magmadali
Nangarap lang ako ng mataas
Saking mga salita naging matatas
Kahit na ang buhay baba taas
Magsusumikap parin hanggang makuwa ang katas
Ng pinaghirapan makawala sa kahirapan
Na sa araw-araw aking kaharapan
At di titigil makipagbababakan
Hanggat di nakakamit ang kaginhawaan
Bawat pagsubok palaging may biyaya
Pero di makukuwa yan sa pagtihaya
Minsan kailangan lang maniwala
Higit sa lahat samahan ng gawa
Imposible man kung iisipin
Magpapatuloy parin sakeng mithin
At kahit ilang beses pakong biguin
Balang araw magtutugma rin ang bituin
Kumalas sa pagkakatali
Gawin ang para sakanilay di madali
Tumalas sa pagkakamali
Bilisan mo lang wag kang magmadali
Kumalas sa pagkakatali
Gawin ang para sakanilay di madali
Tumalas sa pagkakamali
Bilisan mo lang wag kang magmadali