Sa'min ay walang tagisan at paligsahan
Walang kampihan, wala ring premyong pinaglalabanan
Ang meron lang ay tugtugan, kasiyahan
Maraming ang salamat, walang ng iwanan
Ang Kulay ng balat at ng dugo ay kalokohan
Dapat magkakaiba lang tayo sa pangalan
Sumama kahit sino dahil tayo ang bahala
Sige-sige, sama-sama sa lamesa mga bata
Teteteteteka!
Di kami pabor sa trip nung gagong senador
Na ang alam lang ay manira't mambato ng tinidor
Tingin yata sa tao ay damit lang na labahin
Ang puti at ang dilaw hindi daw pwedeng pag-samahin
Bukas, may araw ka sa amin
Mga sikreto mo di n pde pang ilihim
Pero ngayong gabi, wala kaming paki
Grabe! humawi ng buwahi! Sasakupin ka tabi
Kahit na hindi hanapin, hindi tawagin bigla na lang dumadating na parang ihip ng
Hangin talsik ng buhangin
Wag mong salubungin
Baka ka mapuwing at hindi mo na
Makita ang daan na tatahakin
Mahaba pa ang biyahe, marami ka pang oras para iyong sarili
Matuto, magturo, umibig, tumawa,lumuha tumulong, gumulong, sumulong
Tsong, wag kang mag-alala, lahat ng bagay sa mundo ay pansamantala
Pero may mauuna, yung mapagsamantala
Pag ikaw ang may kailangan ay hindi ka kilala
Kahit d mo kilala mga bata binata
Bakla tibo dalaga may edad o may asawa
Wag tayong magsasawang tumulong sa kapwa
Bawasan ang hinala, at damihan ng tiwala tara!!
Sa'min ay walang mahirap, walang mayaman
Walang kapangyarihan at bilang ang pinanggalingan
Ang meron lang ay pagibig, kapatiran
Maraming salamat, wala ng iwanan