Sa mundong ito puno ng sari-saring problema
Magulo't mapanganib
Pangako'y nakakalimutan
Laganap ang kasinungalingan
Walang mapuntahan
Paano ba makabangon?
Paano ba ang magtagumpay?
Sinubok ating tiwala
Sa iisang katotohanan
Salita Mo'y matibay
Ikaw ang kalakasan
Hesus, salita Mo nga ay totoo
Bundok sa buhay ko'y pinatag Mo
Tagumpay at kaligtasan ay nasa'yo
Dakila Ka
Purihin magpakailanman
Hindi ko kaya, yan ang sabi
Salungat ang bawat labi
Tila wari hinahabi
Wala na ngang pasintabi
Salitang talagang nakasisira ng kamada
Pilit kang ibabagsak hanggang di na makaka-ahon pa
Nagtaasang mga harang
Hindi ko na mabilang
Pilit kang tinatangay ng agos ng mga problemang
Di malaman ang sagot
Wala na yatang solusyon
Pero iba ang sinasabi sakin ng Panginoon
Na kung kailan ako'y mahina
Sya ang aking kalakasan
Kung kailan hindi na kaya
Grasya Nya'y masisilungan
Kaya kahit anong ngalan ng sitwasyon o problema
Merong higit na pangalan na makakapitan ka
Lahat ng bagay ay kaya
Sa pangalan ni Kristo
Kaya mong patagin ang mga bundok sa buhay mo
Ikaw man ay inuusig
Ngunit di pababayaan
Di mo man ramdam pero hindi ka nya iiwan
Kahit gaano katarik
Kahit gaano kalaki
Kapag sa'yo Panginoon
Walang imposible
Hesus, salita Mo nga ay totoo
Bundok sa buhay ko'y pinatag Mo
Tagumpay at kaligtasan ay nasa'yo
Dakila Ka
Purihin Ka
Hesus, salita Mo nga ay totoo
Bundok sa buhay ko'y pinatag Mo
Tagumpay at kaligtasan ay nasa'yo
Sa buhay ko
Maghari Ka magpakailanman
Sa buhay ko maghari Ka
Magpakailanman