Ang hirap namang mabaliw sa isang katulad mo
Ako'y natutuliro pag hindi ka kausap
Ilang beses ko pa ba tatanungin ng paulit-ulit sa aking sarili
Aminado ako na ako'y takot din na ikay bigla na lang wala
Hindi naman natin masasabi na iba ka sa kanila
Ipakita mo lang na tama ka maliban sa mga sinasabi ng iba
Handa naman ako makipagpilitan
Kahit na makipagsapalaran kausapin makiusap na pwede bang patunayan mo lang ikaw ang tama sa nila
Ang hirap namang mabaliw sa isang katulad mo
Ako'y natutuliro pag hindi ka kausap
Ang hirap namang mabaliw sa isang katulad mo
Ako'y natutuliro pag hindi ka kausap
Sinta ko alam mo naman na siguro
Di mo maipagkakaila
Na nahulog na sa matamis ng mga ngiti mo
Ngumiti ka lang, ngumiti ka lang
Pati sa kumikinang na mata
Naligaw, naligaw sa mata mong nakakasilaw
Natunaw, natunaw sa ngiti mong nakakatunaw
Ikaw at ako hanggang sa dulo