Hindi ko na makita
Mga mata'y sadyang malabo na
Inipit ang mga luha
Pilit kang binubura
Wala na nga bang ibang magawa
Heto na lang kaya
Isipan ko'y hindi tumutugma
Larawan mo'y sa usok natulala
Sa sandaling walang humpay
Bigla kang nawala
Pasensya na gan'to pala
Hulog ng tadhana
Kung mamalasin nga naman
O teka lang
Wag kang ganyan
Hayaan mong tumama
Ang ligaw na bala
Ibasbas mo
Sa mga santong
Lilinaw sa isipan mo
Tuyong tuyo na 'ng puso ko
Tumitibok pero walang pulso
Hinahapo, Sumisikip
Paningin ay nagdidilim
Pasensya na gan'to pala
Hulog ng tadhana
Tapusin ko na lang kaya
O teka lang
Wag kang ganyan
Hayaan mong tumama
Ang ligaw na bala
Ibasbas mo
Sa mga santong
Lilinaw sa isipan mo