Naglalakad sa gabi
Baka sakaling nakatingin ka rin
Sa liwanag ng buwan
O kay lamig ng simoy ng hangin
Di ka mahagilap
Lumilipad sa likod ng mga ulap
Malapit na ang umaga
Pero wala ka parin dito sa tabi ko
Imahinasyon ka lang ba o hindi
Di ko na alam
Kaya ako'y naglalakad sa gabi
Nang walang kasama
Dama ko na ang init
Nakakapaso tulad nung gabi
Na bigla kang nawala
Masakit parin araw man o gabi
Di ka mahagilap
Lumilipad sa likod ng mga ulap
Malapit na ang umaga
Pero wala ka parin dito sa tabi ko
Imahinasyon ka lang ba o hindi
Di ko na alam
Kaya ako'y naglalakad sa gabi
Nang walang kasama
Kaya ako'y naglalakad sa gabi
Nang walang kasama
Kaya ako'y naglalakad sa gabi
Nang walang kasama
Kaya ako'y naglalakad sa gabi
Nang walang kasama