Hawak ang yong kamay
San tayo maglalakbay
Ngayong gabing bilog ang buwan
Kung ikaw ang kasama saanpaman
Sa bawat paghakbang
Ang puso'y nadadarang
Ilang mga liko pa ba
Bago marating ang dulo ng mapa
Bawat sulok ng mundo
Ay susuyurin ko
Kahit san man magpunta
Mahahanap din kita
Minsan lang ang tulad mo
Di na mauulit pa
Kaya naman sulitin na
Ang mga oras na kasama ka
Sa daan
Sa daang kasama ka
Sa mundo, sa mundo
Sa mundong ikaw ang nag-iisa
Mga ilaw sa daan, na tinatakpan ng usok
Ang malamig na hangin, sa ati'y nakatutok
Kislap ng 'yong matang nagsisilbing parola
Sa maalon na dagat, 'kaw ang nais makasama
Tulad ng pananabik ng 'sang bata
Sa mga eroplano't kotseng magagara
Ikaw lang ang aking tinitingala
Makinang at kakaiba - ang nag-iisa kong tala
Minsan lang ang tulad mo
Di na mauulit pa
Kaya naman sulitin na
Ang mga oras na kasama ka
Sa daan
Sa daang kasama ka
Sa mundo, sa mundo
Sa mundong ikaw ang nag-iisa