Nabulag sa isang kahuwaran
Nakahalang at napakinabangan
Ako'y duwag, hindi makikinig
Sadyang kinikilig, siya'y akin
Isang hangad, gapos ng kalangitan
Dalwang halik, pisngi nagiinit
Walang katulad niya
Sa isip ipininta
Tinatamad akong magsimula ulit
Nababagot na yata sa kalalandi
Umaasa pang mapagod ka na rin
Daanin ko nalang kaya sa paglalasing
Dahil ang iyong damdamin
Ay hindi para sa akin kaso
Tinatamad akong magsimula ulit
Datapwat ako rin naman may kailangan
Nagtatago lang hanggat aking makayanang
Lumagpas sating kamunduhan
Laging naglalakbay, hindi man nakadighay
Tinatangay, tinatangay
Tinatamad akong magsimula ulit
Nababagot na yata sa kalalandi
Umaasa pang mapagod ka na rin
Daanin ko nalang kaya sa paglalasing
Dahil ang iyong damdamin ay
Hindi para sa akin kesyo
Tinatangay daw ako ng aking pagiisip
Tinatamad akong magsimula ulit
Nababagot na yata sa kalalandi
Umaasa pang mapagod ka na rin
Daanin ko nalang kaya sa paglalambing
Dahil ang iyong damdamin ay
Hindi para sa akin pero
Tinatamad ako magsimula muli
Tumatango nalang sayo