Isipan ko'y galaw ng galaw at sayaw ng sayaw
Ubod ng likot pagkat laging kang tanaw
Ngiti mo at lambing ang nasa akin isipan
Puno ng iyong ala-ala, wala na ngang mapaglagyan
Pero bakit may mali, nakakainis
Pero bakit may gulo, nakakalito
Wala namang nagplano at wala ring may alam kung bakit tayo nagkaganito
Wala ring nag-utos, at wala ring may gustong
Masayang ang bawat saglit at pagkakataon
Na kapiling ka, at kasama ka
Na kausap ka, at kayakap pa
Pero saan nagkamali, nakakainis
Pero saan nagkagulo, nakakalito
Minsan nang nagkamali, ayoko nang ulitin pa
Minsan nang nagkunwari, ayoko nang dayain pa
Oh pero and sarap palang balikan ng mga ala-ala
(Hindi ko makalimutan) Ang sarap palang sariwain ng mga ala-ala
(Hindi ko maintindihan) Oh bakit kaya, oh bakit kaya, oh bakit kaya, ganun lang
Mayroon ba dapat tayong ayusin o balikan
Isipin natin ang ating mga pinagdaanang
Tawanan, lambingan, iyakan at asaran
Hindi nag-alinlangan pagkat walang katapusan ang nararamdaman
Kapag kapiling ka, at kasama ka
Kapag kausap ka, at kayakap pa
Pero saan nagkamali, nakakainis
Pero saan nagkagulo, nakakalito
Minsan nang nagkamali, ayoko nang ulitin pa
Minsan nang nagkunwari, ayoko nang dayain pa