Naaalala ko pa ang mga sandaling ika'y kasama
Nakikita ko pa ang tamis ng iyong ngiti sa aking isipan
Ilang gabing hindi makatulog
Hindi ko pa rin matanggap ang iyong paglisan
O kay bilis ng ihip ng hangin halos hindi ko na malayang ika'y mawawala saking tabi
Kung pwede lang sana
Ibalik ang oras na ika'y nakayakap sakin
Ngunit huli na ang lahat dahil wala ka na
Bawat oras bawat sandali
Pinapanalangin na ika'y kapiling ko
Subalit ngayon wala ka na
At ako'y iyong iniwang nag iisa
O kay bilis ng ihip ng hangin halos hindi ko namalayang ika'y mawawala saking tabi
Kung pwede lang sana
Ibalik ang oras na ika'y nakayakap sakin
Ngunit huli na ang lahat dahil wala ka na
O kay bilis ng ihip ng hangin halos hindi ko na malayang ika'y mawawala saking tabi
Kung pwede lang sana
Ibalik ang oras na ika'y nakayakap sakin
Ngunit huli na ang lahat dahil wala kana ohh