Ikaw ba'y namamasyal ng walang kasabay
Ang lungkot naman
At uuwi ka sa inyo walang kahawak kamay
Ang lungkot naman
Ikaw ba'y naghahanap ng kausap
Yung sa iyo tuwing gabi may tatawa
Na sa iyo'y mangungulit at ika'y mapupuyat sa mga kwentuhang walang umayan
Ikaw ba'y naghihintay na may magsabi sa 'yo
Sobrang ganda mo
At ika'y mamumula't magpapakipot ka pa sabi mo hindi naman
Ikaw ba'y naghahanap ng kasama
Yung pag naisip mo siya ka'y tatawang bigla
At sa bawat titig niya lihim kang kinikilig at bigla na lang natutulala
Nalulungkot ka bang mag-isa
Gusto mo ba ng karamay
Nandito lang ako
Magsabi ka lang sinta
Di na kailangang lumayo pa o magbilang ng libong oras
Nakahanda ako tuparin ang pangarap mo
Ikaw ba'y naghahanap ng kasama
Yung pag naisip mo siya ka'y tatawang bigla
At sa bawat titig niya ikaw ay kinikilig at bigla na lang natutulala
Ikaw ba'y namamasyal ng walang kasabay
At uuwi ka sa inyo walang kahawak kamay
Di ka ba naghihintay na may magsabi sa 'yo
Sobrang ganda mo
Ikaw ba'y naghihintay ng manlilibre sa 'yo
At ipapakilala siya sa mga ka-tropa mo
At kayo'y mamamasyal ng magkahawak kamay