Kahit madaming pag babago
Ay hindi ko piniling huminto
Ngayon ang araw na pwedeng iwasto
Kaya takbo, patakbo Sayo
Libanin ang nakaraan wala nang paglalagyan
Ang mga negatibo dito sa aking sisidlan
Di na ako babalik sa pangako ay sabik
'Yaw ko nang mabuhay sa mundo nang may hinanakit
Gawing kapanapanabik ang bawat araw na darating
Pasalamat sa Hari na kahit di mo hiniling ay bingay padin
Isang regalong maituturing ngunit pano kaya gamitin to
Buhay na hiram sinong may alam
Tingin sa orasan imbis na mag bilang
Kesa manatili sa nakaraan
Pipiliin ko bukas na humakbang
Buhay na hiram sinong may alam
Tingin sa orasan imbis na mag bilang
Kesa manatili sa nakaraan
Pipiliin ko bukas na humakbang
Kase sa buhay may lungkot
Meron namang saya
Problema kung parehas yan ikaw lang mag-isa
Mahawi man ang luha pumatak man ang tuwa
Sinong mag tatama sayo kung mali na ang gawa
Di bali na masabihan kesa na mangatwiran
Kung tunay mong kaibigan ituwid sa kamalian
Mabuting magtampuhan kesa magbaitbaitan
Mag-usap ng harapan 'di yung magka talikuran
Mataas ba ang pangarap kaya may kahulugan
O madami lang tanong kase di maintindihan
Mababaw yung tugon kaya walang paki alam
Binanggit ko lang yung taong di mo dapat akbayan
Madaming makilala sa haba nitong daan
Hihinto at papara sasalubungin ng ulan
Isa lang ang aking payo mangako ka na tandaan
Kilalanin mo kung sino ang dapat mo na sundan kase
Buhay na hiram sinong may alam
Tingin sa orasan imbis na mag bilang
Kesa manatili sa nakaraan
Pipiliin ko bukas na humakbang
Buhay na hiram sinong may alam
Tingin sa orasan imbis na mag bilang
Kesa manatili sa nakaraan
Pipiliin ko bukas na humakbang
Pipiliin ko bukas na humakbang