Sayo ko lang naramdaman
Ang ganto oh
Ang mapagbigyan
Isang hiling ko lang dati na makasama ka
Ngayon ay layo natin bihira na isang dipa
Pinangarap ko sa malayo kahit na medyo malabo
Ngayon ay may pangako para sa isat isa
Na mahalin kung sino ka kung sino pa
Kahit pa malayo ang pagitan di mangangamba
Pano ba di sasaya pag nakita kahit sa malayuan
Di ko mapigilan na ika'y agad lapitan
At sabihin na ikaw ay di pang karaniwan
Matang kumikislap kahit di nasisinagan
May sarili kang kinang na di matatawaran
Pag ika'y dumadaan napapasabi ng bagalan
Mo naman kung pwede lang
Ganda parang pag baba ng araw teka lang
Kahit na saglit ay bakit di ko magawang
Di ka titigan hanggang sa masabe ko na ang
Sayo ko lang naramdaman
Ang ganto oh
Ang mapagbigyan
Kaya salamat na agad hiling ko na tupad
Kung alam mo lang yung kilig ko na sagad
'Di tumatabang yung kape ko sapagkat
Ginawa ko nang asukal matamis na salita
Mo na binitawan sa 'kin ay nakatatak
Lagi kitang hanap-hanap pwede ba na lumipad
Patungo kung saan pwede ka na mahagkan
Palapit sa pagsasama natin na walang hanggan
Asahan lage na pag-ibig ko'y tapat
Petsa na makita ka ako laging atat
Isang aya mo nga lang ay handa kong kumagat
Kahit na mapuyat pa 'ko sa dilim ay mag lakad
Pauwi 'tas iisipin ka uli
Malamig pag di na kita katabi
Palihim ko isinulat kagabi
Para ba kanino to walang iba na kundi
Sayo ko lang naramdaman
Ang ganto oh
Ang mapagbigyan
Sayo ko lang naramdaman
Ang ganto oh
Ang mapagbigyan
Di na maghahanap pa ng iba
Sayo ko lang talaga nadama
Di na maghahanap pa ng iba
Pano bibitawan kung ganyan ka ganda
Pano pa ako maghahanap ng iba
Pano kung lahat ng hanap ko ay nasa kanya
Sa tagal ng panahon mag-isa
Oras na nga nag sabi tayo ding dalawa