Lumipas ang araw ika'y nag-iiba na
Matamis na ngiti biglaan nang nawala
Pagkakamaling nagawa noo'y napatawad na
Ngayo'y nagtataka kung bakit naulit pa
Aking aaminin
Nagmistulang baliw sa dilim
Umaasang tayong dalawa pa rin
Ngunit bakit di mo napansin
Oh bakit masaya sa piling ng iba (oh)
Tayo ba'y walang pagasa (oh)
Kung ayaw mo na'y sabihin mo na (oh)
Pero mahal kita
Ikaliligaya mo ba pagpili mo sa kanya
Sa akin ba ika'y nagsawa na
Tamis na pinagsamahan itinapon na ba
Salamat sa lahat sana'y lagi kang masaya
Oh bakit masaya sa piling ng iba (oh)
Tayo ba'y walang pagasa (oh)
Kung ayaw mo na'y sabihin mo na (oh)
Pero mahal kita