Sa himpapawid, isang alabok
Sumasayaw sa hangin, walang takot
Liwanag ng buwan, yakap ng ulap
Mga pangarap, tinatangay ng agos
Ngunit tulad ng buntalang lumilipas
May oras ang ningning, may hangganan ang landas
Halley's Comet, sa langit dumaraan
Isang saglit sa kawalan, isang alab sa dilim
Bago tuluyang maglaho, yakapin ang sandali
Dahil minsan lang tayong iikot sa mundong ito
Habang patuloy ang galaw ng mundo
Hinahamon ng hangin, sinasayaw ng bagyo
Ngunit sa likod ng bawat unos at alon
May tala sa dilim, may liwanag sa hamon
Tulad ng buntalang lumilipas
Tayo'y daraan, ngunit may iniwang bakas
Halley's Comet, sa langit dumaraan
Isang saglit sa kawalan, isang alab sa dilim
Bago tuluyang maglaho, yakapin ang sandali
Dahil minsan lang tayong iikot sa mundong ito
At kung dumating ang dulo ng paglalakbay
Huwag lumuha tayo'y alon sa walang hanggan
Dahil ang alaala'y tulad ng tala
Kahit lumisan, may liwanag na naiwan
Halley's Comet, sa langit dumaraan
Ngunit sa bawat gabing tahimik, 'di ka nalilimutan
Bawat sandali, bawat halakhak, bawat awit
Ay magiging tala sa puso ng kalawakan
Isang ulap sa hangin, isang alabok sa alon
Ngunit ang liwanag, kailanman 'di mabubura
Halley's Comet
Sa twen-ti siksti wan muli'y magpapakita
Kung sa pagbabalik nito tayo'y nandito pa
Sabay-sabay kumanta sa tiempo ng musika...
Isang ulap sa hangin, isang alabok sa alon
Ngunit ang liwanag, kailanman 'di mabubura