Kaygandang tingnan, ng paligid
Sadyang luntian, ang ating bayan
Ay sagana, sa biyaya't likas na yaman
At kung, hindi mo pa, ito alam
Ay kailangan, mo ng malaman
Ang bansa ay, may pag asa't kinabukasan
'Wag mong hayaan, na maiwan ka
Ating pagyamanin, kung anong nasa atin.
Dilaw, Asul, Pula at Araw
Tatlong bituin, walong lalawigan
Sinasagisag, ng sinag ng araw
Nagniningning, Perlas ng silangan, Pilipinas
Ang pangarap na minimithi
Ay mangyayari sa panibagong
Salinlahi, ng mga binhing pinili
At kung nagkamali sa nakalipas,
Ay maaari pang bumawi, Ikaw ay
Posible pang makabahagi
'Wag mong hayaan, na maiwan ka
Ating pagyamanin, kung anong nasa atin
Dilaw, Asul, Pula at Araw
Tatlong bituin, walong lalawigan
Sinasagisag, ng sinag ng araw
Nagniningning, Perlas ng silangan, Pilipinas
Sa sariling sakahan
Alipin ng dayuhan
Imulat ang mata
Gumising na
Dilaw, Asul, Pula at Araw
Tatlong bituin, walong lalawigan
Sinasagisag, ng sinag ng araw
Nagniningning, Perlas ng silangan, Pilipinas
Dilaw, Asul, Pula at Araw
Tatlong bituin, walong lalawigan
Sinasagisag, ng sinag ng araw
Nagniningning, PERLAS NG SILANGAN, Pilipinas
Perlas ng silangan, Pilipinas
Perlas ng silangan, Pilipinas
Perlas ng silangan, Pilipinas
Pilipinas