'Di mo man pansin
Ako'y sa 'yo lamang nakatingin
Dumaan man ang iba
Puso ko'y nasa 'yo na
'Di na hahanap ng iba
'Di makawala
Nabihag na ng 'yong mga mata
Sa 'ting mga sandali
Malayo ang narating
Hanggang sa nagising ulit
Kung sakali man
Puso'y pagbigyan
'Di na hahayaang masayang lang
Maghihintay kahit matagal
Hanggang ang puso mo'y
Handa nang magmahal
Ang tangi kong panalangin
Na ako ay ibigin mo rin
Gustuhin ko man
Na ika'y pangitiin
Mayro'ng humahadlang
Nakalipas na sakit
Pilit mong binabalik
Damdamin mo ngayo'y manhid oh
At kung sakali man
Puso'y pagbigyan
'Di na hahayaang masaktan
Maghihintay kahit matagal
Hanggang ang puso mo'y
Handa nang magmahal
Ang tangi kong panalangin
Na ako ay ibigin mo rin
Pangako sa 'yo't sa Maykapal
Ikaw lamang ang tanging mahal
Kahit ga'no katagal
Handang maghintay
Maghihintay (oh)
Ako'y maghihintay (oh)
Maghihintay (oh)
Ako'y maghihintay (oh)
Maghihintay kahit matagal
Hanggang ang puso mo'y
Handa nang magmahal
Ang tangi kong panalangin
Na ako ay ibigin mo rin