Hindi ngayon ang panahon natin
Dahil ikaw ay may sa 'yo
Ako'y mayro'ng ding akin
Bukas naman ay di tiyak kung atin
Bakit ko 'to iisipin?
Ang ngayon ko ay hindi ikaw
Ang ngayon mo ay hindi ako
Di man matanggap
Pero ito ang totoo
Kung ako'y para sa 'yo
At ikaw ay para sa 'kin
Mangyayari 'to siguro
Pero hindi ngayon
Ang oras ko ay ari na'ng iba
Kulang na rin ito para
Hatiin ko pa
Ikaw nga noon, kulang ang oras mo sa 'kin
Ngayon mo ba'y ipa-aangkin
Ang ngayon ko ay hindi ikaw
Ang ngayon mo ay hindi ako
Di man matanggap
Pero ito ang totoo
Kung ako'y para sa 'yo
At ikaw ay para sa 'kin
Mangyayari 'to siguro
Pero hindi ngayon
Ang ngayon ko ay hindi ikaw
Ang ngayon mo ay hindi ako
Di man matanggap
Pero ito ang totoo
Kung ako'y para sa 'yo
At ikaw ay para sa 'kin
Mangyayari 'to siguro
Pero hindi ngayon
Hindi ngayon