Ako'y naglalakad sa liwanag nang buwan
Ngunit hindi makita ang luwang ng daan
Kahit anong hirap aking naranasan
Kahit anong sakit akin ng naramdaman
Hanggang kailan pakikinggan
Ang mga mali nakaugalian
Hanggang kailan maghihintay
Sa pag-unlad ng aking bayang sinilangan
Ang dami ng namuno
Kung sinu-sino ang nangako
Ngunit sa huli,
Puro pagdurusa ang inabot
Hanggang kailan pakikinggan
Ang mga mali nakaugalian
Hanggang kailan maghihintay
Sa pag-unlad ng aking bayang sinilangan
Sinilangan, sinilangan,
Patawarin mo ako,
Sa maagang paglisan ko
Hindi ko ito ginusto
Ang mawalay sa bayang sinilangan, sinilangan, sinilangan.
Hanggang kailan pakikinggan
Ang mga mali nakaugalian
Hanggang kailan maghihintay
Sa pag-unlad ng aking bayang sinilangan
Sinilangan, sinilangan