Nandito na naman
Ako sa harapan
Nakatingala sa kanya
Kahit ilang beses
Marinig ang kanyang boses
Ay magbabayad pang muli
'Sang sulyap lang ng kanyang mata ay langit
Ngunit nandyan siya at heto ako
Sa paanan niya
Panaginip na makalapit
Kahit autograp lang
Para makausap siya, gagawin ang lahat
Kahit magbuhat ng amp
Niya
Sabi ni inay itigil na ang kahibangan
Babaeng ganyan hindi papatol
Sa torpeng tambay
Panaginip na makalapit
Kahit autograp lang
Oras bilang, araw silang
Bukas pila muli
Nais sanang magpakilala
Kahit autograp lang
Sa pag-idlip, hangin ihip
Bilis, dalhin mo ko
Sa kanya