Walang maisip kung papaano
Pa'no uumpisahan
Walang maisip kung anong tema ba
Ang aking ilalagay
Tulungan niyo ako kung papaano
Pa'no magsisimula
Sadyang mahirap gumawa ng kanta
Parang pag-gawa ng tula
Wala nang dapat baguhin
Wala nang dapat isipin pa
Parang pagmamahal ko sa 'yo
Hinding hindi na magbabago pa
Yakap at 'yong halik
Na kay tamis na talaga namang nakaka-miss
Basta't para sa 'yo kaya kong tapusin ang kanta
Mukhang maayos naman ang tono
At ang naumpisahan
Di naman dapat na komplikado
Dapat lang pagtiyagaan
Hindi mahirap hindi rin madali
Di ko maintindihan
Aking kasama sa pag-gawa ng kanta
Ang milyong patak ng ulan
Wala nang dapat baguhin
Wala nang dapat isipin pa
Parang pagmamahal ko sa 'yo
Hinding hindi na magbabago pa
Yakap at 'yong halik
Na kay tamis na talaga namang nakaka-miss
Basta't para sa 'yo kaya kong tapusin ang kanta
Malapit nang matapos ang umagang kay ganda
Hindi pa rin alam kung itutuloy ba o hindi na
Yakap at 'yong halik
Pero para sa 'yo kaya kong tapusin ang kanta
Wala nang dapat baguhin
Wala nang dapat isipin pa
Parang pagmamahal ko sa 'yo
Hinding hindi na magbabago pa
Yakap at 'yong halik
Na kay tamis na talaga namang nakaka-miss
Basta't para sa 'yo kaya kong tapusin
Para sa 'yo kaya kong tapusin
Para sa 'yo kaya kong tapusin ang kanta