Hindi alam kung paano babagsak
Hindi alam kung saan ako hahawak
Laging dumadapa kailan ba lalakas
Di tulad mo na di bumabagsak
Singlakas ng sandata na iyong hawak
Anong mapapala kung di magtyatyaga
Huwag mag-alala
Nandito lang kami handang sumama
Sabihin mo lang kung kailan
Karamay mo kami kahit saan
At tulong-tulong na susulong
Di maghihiwalay
Basta't humawak lang sa 'king kamay
Iisipin na palagi mong katabi
Ang tunay na sandatang di nabibili
Nag-iisang hinahanap ang daan
Bawat hakbang may kalabang humaharang
Ilang pagsubok bang kailangang lagpasan
Unti-unting kinakain ng dilim
Kailan pakikinggan ang panalangin
Sana'y matapos mga hamon kailan ba
Huwag mag-alala
Andito lang kami handang sumama
Sabihin mo lang kung kailan
Karamay mo kami kahit saan
At tulong-tulong na susulong
Di maghihiwalay
Basta't humawak lang sa 'king kamay
Iisipin na palagi mong katabi
Ang tunay na sandatang di nabibili
Tulong-tulong na susulong
Di maghihiwalay
Basta't humawak lang sa 'king kamay
Iisipin na palagi mong katabi
Ang tunay na sandatang di nabibili yeah
Ang tunay na sandatang di nabibili (ang tunay na sandatang di nabibili)
Ang tunay na sandatang di nabibili