Alam kong di na ako,
Aang laman ng puso mo
Kaya't di na magtataka
Kung bat ako'y nilisan mo
Wag kang mag-alala
Alisin ang pangamba
Kung magkaroon ka ng iba
Sa aki'y ayos na
Pagkat wala nang saysay
Kung ipipilit pang
Muli ang mga bagay-bagay na sadyang
Magdudulot ng pait patuloy lamang ang sakit sa ating dalawa
Tanggapin na natin na
Wala na talagang pag-asa na maayos pa sitwasyon nating dal'wa
Marapat lamang na
Kalimutan ang lahat mga munting alaala
At ang imahe mo sinta
Ipaubaya nalang natin
Sa tadhana ang lahat
Ito ang magtatakda kung tayo'y magiging sapat
Kung tayo talaga ang para sa isa't-isa
Kung tayo talaga
'Di ka mag-iisa
Kung tayo talaga
Hindi malilimutan ang saya
Alinsunod sa pag-ibig kong
Likha ng Maykapal
Hindi na muling luluha pa
Sapat na yung nagbalik ka
Kahit na saglit lang
Higit na yong mahalaga
Salamat o sinta
Mas pipiliin ko nalang
Makita ka na masaya
Kahit pinapatay ako
Ng lungkot na nadarama
Patawarin mo ako
Kung dumating ang araw na
Kalimutan kong lahat na parang di ka kilala
Si Bathala ng bahala
Kung tayo tlaga