Puso'y naging sarado
Manhid na sa dami ng kasalanan ko
Ngayon di na sigurado
Hanggang kalian pa ba ito?
Ang dami ng pagkakamali
Tingin na sa sarili'y napakarumi
Sinubukan kong magtago
Pero di ko pala kaya'ng ganito
Pakiramdam ko ngayon
Napakalayo ko na sa'Yo
Mga sala ko'y pawiin
Puso ko O' Diyos pakalinisin
Muling ibaling ang 'Yong paningin
Awit ng puso ko'y dinggin
Tanging dalangin ko'y manumbalik sa'Yo
Manumbalik sa'Yo O Diyos
Kung san san na ako nakarating
Alam kong mayro'ng kulang, sa buhay ko'y bitin
Kay tagal kong naghanap
Bakit hindi ko nakitang Ikaw ang kailangan?
Ba't di ko magawang magbago?
Kaya ngayon sa presensya Mo'y hiyang hiya ako
Kahit ano man ang gawin ko
O Diyos di ko kayang manatiling ganito
Pakiramdam ko ngayon
Napakalayo ko na sa'Yo
Mga sala ko'y pawiin
Puso ko O' Diyos pakalinisin
Muling ibaling ang 'Yong paningin
Awit ng puso ko'y dinggin
Tanging dalangin ko'y manumbalik sa'Yo
Manumbalik sa'Yo O Diyos
Itong aking buhay na nanlamig
Muli mong yakapi't pag-alabin
Muling bigyang buhay
'Tong pusong naliligaw, nauuhaw sa'Yo
'Wag na wag mong lilimutin
Mga pangakong sa puso mo'y Aking inukit
Pag-ibig Ko'y hindi magbabago ang lahat man ay maglaho
Sa pagtawag mo'y agad na tutugon
Muling ibaling ang 'Yong paningin
Awit ng puso ko'y dinggin
Tanging dalangin ko'y manumbalik sa'Yo
Manumbalik sa'Yo O Diyos
Itong aking buhay na nanlamig
Muli mong yakapi't pag-alabin
Muling bigyang buhay
'Tong pusong naliligaw, nauuhaw sa'Yo
O sadyang mahal kita Aking anak
Hindi kita pababayaan, ni iiwan man