Naaalala ang bawat sandaling kasama ka
Bawat tuwa, bawat saya nadarama
Naaalala ang bawat kantang ating nagawa
Bawat hapdi, bawat ngiti nadarama
Kumusta na? Mataba ka na ba?
Buksan ang iyong mga mata
Pahinga ka na lang muna
Naaalala ang ating pagsasamang kay ganda
Bawat suba, bawat buga nadarama
Naaalala gabi't umagang nakatulala
Bawat gawin, bawat tingin nadarama
Kumusta na? Nasaan ka na ngayon?
Bakit ba naisipang lumingon?
Lilipas din ang panahon